Biyernes, Hulyo 15, 2016

ISLA NG BANTAYAN SA CEBU - " OUT OF TOWN "



                                            




Nababagot ka na ba sa imyong bahay? at gusto niyong mag-Adventure? Hali na't pumunta sa Bantayan Island ng Cebu. Lugar kung saan dinarayo ng mga taong adventurous. Mag-eenjoy kayo sa dami ng iyong magagawa sa Isla na ito. Kukulangin ang dalawang buwang bakasyon sa paglilibot sa mga lugar dito sa Isla ng Bantayan.

Ang lokasyon ng Bantayan Island ay nasa dagat ng Visayas. Nakpalagay siya sa Kanluran ng Hilagang Isla ng Cebu. Ang Bantayan Island ay binubuo ng tatlong lungsod ang munisipalidad ng Bantayan, Sta. Fe at Madredejos. Paano ka ba makakapunta? kung ikaw ay taga Luzon o Mindanao kailangan niyong magpa-book ng flight papuntang Cebu.pagdatiing mo sa Cebu pumunta ka sa North Bus Terminal, Mandaue. Sumakay ka nang Bus papuntang Hagnaya Port, kapag narating niyo na nag Hagnaya Port, sumakay ng Ferry Boat patungong Sta. Fe..

Pagdating niyo sa Sta. Fe bisitahin kaagad ang Sta. Fe BEach Club at Ogtong Cave Resort. Maraming bonus na activities para sa mga guests. Pwede rin kayong mag-explore sa Ogtong Cave for free at lumangoy sa natural awimming pool dito sa cave. 

Marami pang activities na magagawa dito sa Bantayan Island. Bisitahin niyo ang 500 taong gulang na Saint Peter and Paul's Church sa Bantayan. Mag-Island Hopping sa mala kristal na tubig at maputing pulbos ng buhangin nga mga beaches sa Virgin Island ng Bantayan. Subukan niyong tikman ang iba't-ibang klaseng tuyo dito sa Bantayan kagaya ng boneless danguit, salmoneti, katambak,fish tocino,dried pusit at marami pang iba.



" TRULY BANTAYAN ISLAND IS A HOME AWAY FROM HOME "

1 komento: